Isang napakagandang pelukula na may malalim na kahulugan. Tayong mga tao kapag nakakakita ng pilay, matanda at may sakit sa daan ay nabibigyan agad natin sila ng awa at konting atensyon. Ngunit ang mga may sakit sa pag-iisip ay madalas sinasaktan at kinukutya dala ng hindi natin sila maintindihan.
Bakit? Hindi ba din nila kailangan ng awa? Pag-mamahal at pag-iintindi? Kailangan din nila iyon upang umayos muli ang kanilang kalagayan. Mas mahirap sitwasyon nila kasi madalas ay hindi sila naiintindihan ng karamihan.
"The worst part of having a mental illness is people expect you to behave as if you don't" -Joker.
Napakaganda ng cinematography ng movie at mapapa-wow ka sa galing ni Joaquin Phoenix sa pag ganap bilang si Joker.
"I used to think that my life was a tragedy. But now I realize, it's a comedy."-Joker
Kung papanuorin mo talaga ay maluluha ka at makikita mo na ang mga tao sa paligid niya ang gumawa sa kanya bilang si Joker.
"If you could read my mind, you would be in tears"-Joker.
Hindi dapat ginagawang katatawanan mga may sakit sa pag-iisip, bagkus ay dapat silang unawain at bigyan ng pagmamahal. Huwag natin husgahan ang kalagayan ng tao na hindi naman nayin alam ang pinagdadaanan nito.
0 Comments