Senado pinag handaang mabuti ang parating na 2019 Southeast Asian Games at kasama dito sa budget ang P50M para sa cauldron, na ikinabanas naman ng isang Freelance Journalist na si Gretchen Malalad.
Dating ABS-CBN field reporter itong si Malalad noong taon 2006 hanggang 2013. Ayon pa sa kanya ay hindi naman daw kailangan ng mga atleta ang P50M na kaldero. Sana ay inilaan na lang daw ang budget sa training at pagkain ng mga atleta.
Sabi pa ni Malalad, “The athletes don’t need a 50M cauldron. Come on! yang kaldero na yan dapat nilagay sa budget ng kalderong pangkain! Idagdag niyo na lng sana sa food budget ng atleta. O di kaya para sa training. #supportourathletes”.
Nagsalita din ito tungkol sa pahirapang pag aproba ng mga re-quest para sa pondo ng kagamitan at training ng mga atleta, pero madali lang daw naibigay ang malaking budget para sa higanteng kaldero.
Aniya, "“Walang budget! Walang budget! Hindi na approve.” Yan lagi naririnig ng mga atleta kapag nag request ng funds for training and exposure abroad. Pero may budget ang gobyerno para sa 50M na kaldero”.
0 Comments