Rufa Mae Quinto 'patay na' pero hindi niya alam na siya ay namatay na. WHAT?

Isa nanamang fake news ang gumulat sa maraming netizen at ang bagong biktima nito ay ang isang kilala at magaling na komedyanteng si Rufa Mae Quinto.

Natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto ang sexy comedian, ayon sa isang report online kaya't marami sa mga netizen ang nagulat. Hindi naman daw nakitaan ng foul play ang pagkamatay ng sexy comedian.


Makikita sa isang video ang scene na makikita na iniimbestigahan ng mga pulis ang lugar kung saan nasabing nakitang patay ang komedyante. Habang inosente itong si Rufa Mae na iniimbestigahan na pala ng mga pulis ang kanyang pagkamatay. Patay na pala siya, hindi lang niya alam.


Dahil dito ay nagsalita ang mga kaibigan nito na nagsasabing buhay na buhay pa si Rufa Mae at isang malaking fake news ang lumabas na balita. Hindi lang isa kundi maraming celebrity na ang nabiktima ng ganitong mga balita.

Nakapag promote pa nga ng kanyang pelikula ang sexy comedian sa kanyang Instagram account.