Kahit sulyap lang "Darna," relief goods dinala ni Angel Locsin para sa biktima ng lindol

Kahit sulyap lang "Darna," relief goods dinala ni Angel Locsin para sa biktima ng lindol 

Hindi lang sulyap ang ginawa ni "Darna," kundi personal nitong inabot ang tulong. Hindi lang sa telebisyon si Angel Locsin tumutulong sa mga nangangailangan, kundi pati na rin sa totoong buhay ay Super Hero din ito. kamakailan ay nabalitaan na nilindol ang lugar ng Davao.


Napakaraming naging biktima ng pagyanig na nangyari. Namataan si Angel Locsin sa Davao na bumibili sa isang lokal na mall na kasama ang kanyang fiancé na si Niel Arce. Simpleng pananamit lamang ang suot ng dalawa.


Ayon sa mga nakakita sa sa dalawa ay namili sila ng napakaraming  delata, sako-sako na bigas, at tubig upang ipamahagi sa mga nabiktima ng lindol. Akalain niyo, lumipad silang dalawa upang maka tulong sa mga biktima ng lindol. Kun wala pa nakakita at nag post sa social media ay hindi ito malalaman ng karamihan, at dahil jan ay maraming netizens ang napahanga kina Angel at Niel.


Ayon sa isang netizen na si Roy Gimaro, isang t4uck na puno ng mga relief goods ang pinamigay ni Angel sa bayan ng Kidapawan, Makulalam at Tulunan at iba pang mga apektadong lugar.

Hindi lang maganda ang pang-labas ni Angel, kundi pati na rin ang kalooban nito. Marami ang hindi makapaniwala dahil sa personal talaga niyang inabot ang tulong para sa mga biktima. Kaya naman wala ring hinto ang buhos ng blessings sa actress.

Post a Comment

0 Comments