BTS concert hindi pinalagpas ng K-pop fan na si Liza
Mag-isang bumiyahe itong si Liza Soberano papuntang Seoul sa South Korea upang mapanood ang kaniyang iniidolong BTS nanisang K-pop group. Ayon kay Liza ay nagin emosyonal ito nang makita niya ang iniidolong grupo. Naalala kasi niya ang kaniyang mga naging karanasan noon sa Estados Unidos, dahil hindi siya nakapanood ng concert nito moon nakaraan. Sumailalaim din kasi ito sa isang operasyon kaya't sa V Live na lang siya nakapanood habang umiiyak.
Nag bahagi din itong si Liza ng ilang litrato niya sa concert na pinost niya sa kanyang instagram account na may kasamang video clips din.
“Some of my favorite moments from LY: Speak Yourself the finale. This trip and experience has given me a deeper meaning and appreciation to what ‘fan girling’ is.” caption sa kanyang post.
Napaka daming mga solid dan ang matiyagang naghihintay sa pila ng walang maupuan at makain, mapanuod lang ang kanilang idolo. Kaya mas lalong naapreciate ni Liza ang kanyang mga fans dahil naranasan din niyang pumila bilang isang fan ng K-pop.
“While waiting in line for many hours out in the cold with nothing to eat and no where to sit I started thinking about my fans and what they have to go through just to get a glimpse of me. Words can never express how grateful I am to each and everyone of you. I’m proud to be a fan of such talented people and I’m proud to have fans who are the most loving and understanding people i’ve ever met. I’ve got the best of both worlds.” saad ni Liza.
0 Comments