Isa nanamang Zamboangueña ang sumusunod sa yapak ni Hidilyn Diaz
Mukhang may sumusunod sa yapak ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz. Ito ay si Kristel Macrohon na kababayan rin ni Diaz.
Ihinahanda ni Kristel Macrohon dahan-dahan ang kanyang sarili upang makamit nito ang inaasam na pangarap na maging isang kampeon at maging isang Olympian din. Wala namang imposible sa taong nag-puporsigi sa pangarap.
Dahil sa tiyaga at disiplina sa sarili ay natupad na rin ni Macrohon ang masungkit ang kanyang unang ginto sa 2019 Southeast Asian Games.
“Napatunayan ko po ngayon sa sarili ko na kaya ko ring makapagbigay ng karangalan sa bansa,” saad ni Macrohon.
“Surprised po ako sa panalo ko kasi ang Vietnamese lifter po ang talagang No.1 sa division ko. Umaasa ako sa pilak pero nabigyan po ako ng inspirasyon ni ate Hidilyn para sa ginto,” dagdag pa nito.
Pero hindi lang sa pagiging Olympian ang pangarap ng Zamboangueña weight lifter. Dahil sa kabila ng gintong medalya ay pangarap din nito na magkaroon ng diploma at maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.
0 Comments