Talagang mapapasigaw ka sa sakit ng yantok kapag ikaw ay nakitang nakikipag lampungan o yakapan sa mataong lugar sa Aceh Indonesia. Strikto nilang sinusunod ang Shaira Law na kabilang dito ang pagbibigay parusa sa mga taong sumusuway nito.
Ilang mga teenager naman ang nahuling nagyayakapan sa Aceh Indonesia ad sila ay ikinulong ng ilang buwan at pagkatapos noon ay pinarusahan din sa pamamagitan ng pag hataw ng yantok o ratan sa mga ito.
Ang mga ito ay pinarusahan sa harap ng mosque at harap ng napakaramig tao. Hinataw sila ng 17 beses, ang iba sa kanila ay nahimatay sa sakit. Sino nga ba naman ang hindi masasaktan at mahihimatay sa sakit dulot ng ratan.
Maraming mga negatibong komento galing sa labas ng Aceh ngunit ang mga taga doon mismo sa lugar ay sang ayon sa ganung batas. Para sa kanila ay tama lang ang ganung batas upang maiwasan ang mga sexual acts outside marriage.
0 Comments