Uso ngayon ang E-cigarrette o Vape. Cool at astig tingnan kapag meron ka nito, sabi ng ilang pinoy. Ito rin ang pinalit sa regular na sigarilyo na nag lalaman ng napaka daming nicotine kapag ito'y hinihit-hit.
Pero, Kabisado na ba natin talaga ang Vape o E-cigs? Alam na ba natin talaga ang mga naidudulot nito? May solid na ba talagang patunay na safe at walang maidudulot na karamdaman ang pag gamit ng Vape?
Para sa kaalaman ng ilan ay may mga nabalitang namatay na sa pag-gamit ng e-cigs at marami na din ang mga na hospital dahil dito. Ang vape juice na ginagamit sa e-cigs ay napag alaman na may nakakabahalang epekto sa lungs ng taong gumagamit ng e-cigs.
Ayon sa pag susuri ng ilan ay nakaka-dulot ang aerosolized oils ng acute lipoid pneumonia at iba pangsakit sa baga. Hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pag-aaral sa mga posibleng sakit na kayang maidulot ng Vaping o E-cigs.
0 Comments