Hindi na bago sa atin ang lugar sa pilipinas na little UK (ukay-Ukay), marami din ang bumibili dito dahil sa mura na at makakahanap ka pa ng mga branded at mga good as new na items dito. Oh, ang saya diba?
Magandang negosyo din ang ukay-Ukay at kapag marunong ka ay pwede kang swertehin na mapalago ito. Ngunit ibang swerte naman ang dumapo sa isang lalake na taga malaysya dala ng ukay. Isang nag uumpisang negosyante ng ukay-ukay itong si Wan Mohamad. Siya ay namili ng mga bundles ng ukay sa isang bodega sa malaysya.
Itong huling bili niya ay gumulat sa kanya, may naispatan kasi siyang damit na may wallet. Agad naman niya itong kinuha at tiningnan at BOOM! lumantad ang RM 16,000 o mahigit sa 200,000 pesos. Kung ikaw siguro yun makaka tambling ka sa tuwa.
Nais niya man daw isauli ang pera sa may-ari ngunit wala siyang nakitang ID o kahit na anong bagay sa wallet na makakapag tukoy kung sino ang may-ari. Well, yan ang tinatawag na "Blessing", kaya naman gagamitin na lang niya ito sa pag-papalago ng kanyang negosyo at sa ibang pangangailangan.
0 Comments