Palaging tatandaan na huwag lulunurin ang sarili sa alak. lalo na kapag ikaw ay mag mamaneho pauwi o mag swimming sa dagat. Iba ang tapang at klase ng pag-iisip ang naidudulot ng pagka lango sa alak.
Ang mahirap ay naiissip mo na madali lang, ang hindi kaya ay aakalain mo na kaya mo at ang madalas ay ang nagiging basagulero kapag nalasing.
Katulad ng nangyari sa isang Swiiming/gym instructor noong setyembre 22 sa isang beach resort sa Barangay Lugo, Bauang, La Union. Ito ay nalunod matapos nitong mag swimming ng mag-isa sa dagat.
Kinilala ang biktima na si Joseph Gawidan, 24, residente ng Barangay Pico, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa ulat ay isang family outing ang pinunta nila sa isang beach resort sa La Union. Nang bigla na lang naligo ng mag-isa ang biktima at walang nakapansin ninisa sa kanyang pamilya na tumungo ito sa dagat.
Inabot din ng ilang oras ang paghahanap sa biktima. sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Philippine Coast Guard ng La Union ay natagpuan din ang bangkay nito hindi kalaunan.
0 Comments