"I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say," tweet ni Regine.
Patungkol ito sa ginawa niyang video vlog na kung saan ay ipinakita niyanang kanyang koleksiyon ng mga bags sa kanyang youtube chanel.
"Ito kasing bag na 'to, mabaho. It stinks. It's mabaho. I remember, noong binili ko talaga, ang baho talaga niya. It used to stink so much. It still is," saad niya.
"I bought it in Hong Kong, I think. And it's mabaho, I think it's the kind of leather," dagdag pa nito.
Nasabi din ni Regine Velasquez na gumawa siya ng documentaryo sa Brgy. Payatas at naikumpara niya ito sa amoy ng kanyang leather bag.
"Kaamoy nung bag ko 'yung Payatas, nakakatawa. Kasi kapag nasa Payatas ka na, hindi mo na maamoy 'yung basura eh. Kasi kayo, pare-pareho na kayo ng amoy doon," saad ni Regine.
"This is the bag I was wearing. And so after the whole shooting, akala ko nasa Payatas pa rin ako, 'yun pala 'yung bag ko 'yung mabaho. Mas mabaho pa siya sa Payatas," dagdag pa niya.
0 Comments