Sunog ang balat ng Grade 9 student dahil sa disgrasya sa Science Experiment

Ilang grade 9 na estudyante sa Mountain Province ang nadisgrasyang nasunog ang balat ng dahil sa science experiment nila sa eskwelahan. Tatlong estudyante ang dinala at binigyan ng first aid sa school clinic bago sila dinala sa ospital.

   (Credit to GMA 24 oras youtube caption)

Ayon sa balita ay gumagawa ng science activity experiment sina Hanna Louise Nabunat, Jaden Caranto, at Gina Espiritu. Gamit ang alchohol lamp ay tinangka nilang magpa kulo ng tubig ng minadali ng kanilang guro ang proseso nito kaya't nilagyan niya ang burner ng dagdag na alchohol.

   (Credit to GMA 24 oras youtube caption)

"Linagyan ni ma'am ng alcohol, tapos sinindihan niya kaya nung nilagyan niya, sumabog at sa aming napunta, sa akin napunta," saad ni Caranto.

"Wala namang nakalagay sa book na gagamitin eh. Hindi rin sinabi ni ma'am, kaya wala. Sinunod po namin 'yung procedure na nakalagay sa book," dagdag pa niya.

   (Credit to GMA 24 oras youtube caption)

Sa ngayon ay hinihintay pa ang panig ng guro at iba pang opisyal ng eskwelahan tungkol sa pangyayaring ito.

Post a Comment

0 Comments