Sa buhay ng tao ang mga hayop ay may napaka importanteng papel sa pamumuhay ng mga tao. Kagaya ng aso, pwede mo ito maging kalaro, maibigan at bantay kapag ikaw ay wala sa bahay o habang natutulog. Kaya dapat kinakailangan na pahalagahan din ang mga ito.


Sa kasamaang palad ay karamihan sa mga tao ay inaabuso ito at minamaltrato. Ang iba ay pinapataynpa ang mga ito at ginagawang pagkain. Hihintayin pa ba natin kumonti ang bilang ng mga ito.


Madalas kapag ikaw ay pagod o stress ay natatanggal ito sa kadahilanang nilalaro o nailalambig ka ng iyong alagang ado. Madaling turuan ang mga aso at hindi mahirap alagaan.


Minsan ay nakakasira din sila ng mga bagay sa loob o labas ng bahay ng hindi sinasadya. Pero hindi naman yun ang rason upang maltratuhin sila. Ang aso kapag binigyan ng atensyon at pagmamahal ay nakatitiyak ka na susiklian din nila ito.