Pak! Pak! Pak! Palpak! Philippine Women's football team ginawang parang sardinas

Pak! Pak! Pak! Palpak! Philippine Women's football team ginawang parang sardinas

Ilang mga dayuhang manlalaro na ang nakaranas ng masaklap na pag-aasikaso sa kamay ng Philippine SEA Games Organizing Committee na si House Speaker Alan cayetano  ang nangunguna bilang Chairman.

Ngunit pati mga mismong manlalaro ng Pilipinas ay hindi nakaligtas sa hindi magandang sitwasyon. Dapat sana maging Pinoy man o bisita ay deserve nila ang magandang pag welcome dahil sila ay mga representante ng bansa.


Na stranded umano ang Women's football team at mukhang sardinas na ang kinalabasan ng mga ito dahil ipinag-siksikan sila sa mga kwartong tinutuluyan nila sa isang hotel sa BiƱan City, Laguna.

Sa sobrang pagkadismaya ng isang manlalaro na si Hali Long na isang Fil-Am ay nag post ito ng larawan na kitang-kita kung papaano ang kanilang sitwasyon. “Arrived to our SEAG hotel at 11:30 am. Rooms weren’t ready yet, so we ate lunch while they fixed our rooms. Instead of 2 per room, we’ve adjusted to 4-5 per room.”


 “It’s now 2:15 pm and the rooms aren’t ready. They moved us to a function room, so we wouldn’t crowd the lobby for other arriving teams,” birada ni Long.

Dagdag pa niya, “Sad that we’re the host team and this is how we’re being treated. I can’t imagine how other countries must feel.”


Hindi lang sila ang nakaranas ng ganito, magig ang Men's team ng Thailand, Timor Leste, Cambodia, at Myanmar ay nakaranas na maghintay ng matagal sa airport at nasubukan ngnmga ito na matulog sa carpet sa labas ng kwarto, nadala sa maling hotel at  rewind and replay(paulit-ulit) ang kanilang mga pagkain. Maging sa rasyon ng tubig ay kinulang din ang mga manlalaro.

Post a Comment

0 Comments