"Unbreakable" ganyan ang friendship ni Bea at Angelica
Official Trailer "Unbreakable": https://youtu.be/gMzK9eu_1sI
Magkaibigang Bea Alonzo at Angelica Panganiban, Relate sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kanilang career at love life. Pagdating sa mga ganitong pagsubok ay matatag si Bea, kaya bilib sa kanyabsi Angelica at pagdating sa pag move on/recovery ay mas mabilis maka recover si Bea.
Si Angelica ay mahina pagdating sa pag move on. Naranasan nito ang ma-depress, denial stages, hate, bargaining, bago niya naabot ang acceptance.
Sabi pa ni Angela, kapag nahaharap sa ganitong pagsubok ay mas mahalagang isipin ang mga positibong mga bagay, kagaya ng mga blessings na dumarating kesa sa pagkakaroon ng boyfriend.
Matalik na magkaibigan ang dalawa, pero sa kabila noon ay dumaan pa rin sila sa pagsubok. Natural ito sa mga magkakaibigan. Magkapatid nga ay nag-tatampuhan o nag-aaway minsan diba?
Pero hindi sila nagpadaig sa tampuhan, mas dumaig ang kanilang pagkakaibigan at inayos nila ito sa mabuting pag-uusap. Pag dating naman sa kabiguan sa pag-ibig, sila din ay magkatulad. Isa ito sa dahilan kung bakit mas tumibay ang kanilang friendship.
Kaya mas naiintindihan nila ang isat-isa at nagtutulungan sila sa mga tough situations na pinagdaraanan ng bawat isa without passing any judgement.
0 Comments